Wala ng pasakalye
Oh, Game balik ulit sa dati
pupunan ko mag-isa
mga upuan na bakante
Isang Duwende
pag-bangon ay higante
pag-sargo palakpakan ng madami
mga bente
mangilabot sa atungal ng Legit
A.K. at ang Muses
surebol may moshfit
ito ang hip-hop na malayo sa tipikal
damba sa dibdib ng kulturang nasa kritikal
wala ng oras mag laro
hindi na ko nag-bibiro
binura ko na ang salitang bigo
binalasa ang baraha bawat tapon ay panapaw
jawo sa laro, tawagin mo akong buwakaw
maririndi kang muli sa pag-babalik
ng tituladong eksperto na sa pag-hahasik
aking bagsik ay lasapin
hanggang maumay
lahat ay magpugay pag labas ng ikatlong sungay
Sa unang pagkakataon ako'y nagbabalik
handa ka na bang sukatin kung gaano to kalupit
isang panganib sa larangan na hindi mo malilimutan
'di mapapabagsak ng kanti ang 'sang datihan
Sa unang pagkakataon ako'y nagbabalik
handa ka na bang sukatin kung gaano to kalupit
isang panganib sa larangan na hindi mo malilimutan
'di mapapabagsak ng kanti ang 'sang datihan
Sa pagsipol ng pagkakataon tunghayan
ang isang kakayahan na di mo kayang lagpasan
na hindi tinuro o pinasa lamang ng kung sino
mismo sa konsepto, bawat bigay ay sakto
panahon ang nag dikta at ang umukit ng marka
kahit lawayan ang pangalan ay malabong mabura
gising ang diwa, bawat haplos may hiwa
ang bertud muling umilaw tila gabay sa nakapila
lalabo pero di kukupas parang ginto
tinadyakan upang muling mag bukas ang pinto
walang hinto, walang patid, walang puknat kahit said
'di mo maaawat sa pag-ratrat aking bibig
pinanganak para dito, keber ko sa saludo
ito ang kahulugan ng mas solido pa sa solido
walang hugutan nako hip-hopan na naman
AKZILLA dapat matagal mo ng nalaman yan 'di ba?
Sa unang pagkakataon ako'y nagbabalik
handa ka na bang sukatin kung gaano to kalupit
isang panganib sa larangan na hindi mo malilimutan
'di mapapabagsak ng kanti ang 'sang datihan
Sa unang pagkakataon ako'y nagbabalik
handa ka na bang sukatin kung gaano to kalupit
isang panganib sa larangan na hindi mo malilimutan
'di mapapabagsak ng kanti ang 'sang datihan
Paano mo sasalagin ang karma ng panahon
'di mo inaakala na magbabalik si Ron
babawiin ang alahat ng hiniram mo't inangkin
kung matapakan ng husto sadya walang aumanhin
yan ang husay na inaaakalang wala ng bisa
tulog sa pag-ihip ko mistulan kang mantika
'wag mong sabihing 'di ka napag sabihan ng 'yong ina
na anak kay AKUMA ay hindi ka uubra
kahit sininop mo'ng lahat ang sangkap
hindi magaganap ang panaginip mong sa'kin ay tumapat
pagkat panahon ang magsasabi, kungbakit namamalagi
patuloy ang paninibasib kong tila buhawi
gulat ang dulot inumang sayong noo
pag pilantik ng aking dila tumba ka ginoo
wawasakin ang lahat ng hampas lupang matapobre
kamay sa dibdib sa pag awit ko ng ponebre