V. Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria
R. At siya’y naglihi, lalang ng Epiritu Santo.
Aba Ginoong Maria….
V. Narito ang alipin ng Panginoon.
R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.
Aba Ginoong Maria…
R. At ang Verbo ay nagkatawang – tao.
V. At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoong Maria….
V. Ipinalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Cristo.
MANALANGIN TAYO
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa
ang aming mga kaluluwa ng iyong mahal
na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita
ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatwang
tao ni Jesu – Cristong Anak mo, pakundangan
sa mahal na sakit at pagkamatay niya sa krus,
pakinabangan mo kami ng kanyang pagkabuhay
na mag – uli sa kaluwalhatian sa Langit.
Sa pamamagitan ni Jesu – Cristong Panginoon naming.
Siya nawa.
Luwalhati sa Ama…..