Dati nung bata, regalo ang inaabangan ko - laruan
Makasama mga pinsan, takbo, karoling, taguan hanggang gabi - Simbang gabi
Ikaw at ako
Tayo ang pasko
Sapat kana sa akin
Wala ng hahanapin
Dati nung araw, ninong at ninang ang inaantay ko - Mano po
Makasama buong pamilya, salo-salo sa noche buena
Mga ngiting di maikubli
Ikaw at ako
Tayo ang pasko
Sapat kana saakin
Wala ng hahanapin
Sa paskong darating
Ikaw lang ang nais makapiling
Ikaw at ako
Tayo ang pasko
Isang magandang regalo
Ang isang ikaw
Ikaw at ako tayo ang pasko
Sapat kana sa akin
Sapat kana sa akin
Ikaw at ako tayo ang pasko
Sapat kana sa akin
Sapat kana sa akin