Gian Rodriguez
KOBE
Chorus:
Buhay ko’y nagbagong bigla
Simula ng dumating ka
Kahulugan ng kompleto’y nag-iba
Mahal kita anak, ‘di ka mag iisa.
I.
Nung una kang makita
Ika’y nakapikit pa
Nadinig ko ang iyak mo ‘pag labas mo sa iyong ina
‘Di maka-paniwala
Ako ay tatay na
Gagawin kong lahat
Basta ika’y maging masaya
Akala ko dati kaya ko ng mag isa
Mundo minsan puno ng galit saan na papunta?
Pero nung mahawakan ka lahat tumigil bigla
Nagpasalamat sa Diyos at ako’y biglang naluha.
Chorus:
Buhay ko’y nagbagong bigla
Simula ng dumating ka
Kahulugan ng kompleto’y nag-iba
Mahal kita anak, ‘di ka mag iisa.
II.
Ngayon ako’y buo na
Ngiti mo lang sapat na
Kahit puyat at pagod ako naman ay maligaya
Magpapalit ng punda
Kasi naihian mo na
Umiiyak ka ba kasi
Tumae oh ika’y dedede na?
Ang tangi kong hiling sana ika’y maging mabuti
Ikaw ang kayamanan ko bulong sa’king sarili
Sabay tayong umawit
Kobe ng kanta mo
Mahal kita anak
Isisigaw ko yan sa mundo