Sa unos ng gabi
Ako’y naririto
Sa ulang bubuhos
Ako ang silong mo
Sa mundong magulo
Kasama mo ako
Hindi ka iiwan
Kahit hanggang dulo
Sa gitna ng dagat, Ako ang iyong sagwan
Sa gitna ng dilim, kita’y iilawan
Pagkat ako, ako ang iyong sandalan
Sa ihip ng hangin, sa bugso ng ulan
Kita’y sasamahan, kailan pa man
‘Di ka iiwanan, ako ay sandalan
Kahit anong laban
Ako’y kasama mong lagi
Sa hamon ng mundo
Sa bawat pagsubok,
Naririto ako
‘Di ka magiisa,
Patutunayan ko
Sadyang walang hanggang
Pagmamahal sayo
Sa gitna ng dagat, ako ang iyong sagwan
Sa gitna ng dilim, kita’y iilawan
Ooh
Pagkat ako, ako ang iyong sandalan
Sa ihip ng hangin, sa bugso ng ulan
Kita’y sasamahan, kailan pa man
‘Di ka iiwanan, ako ay sandalan
Kahit anong laban
Pagkat ako, ako ang iyong sandalan
Sa ihip ng hangin, sa bugso ng ulan
Kita’y sasamahan, kailan pa man
‘Di ka iiwanan, ako ay sandalan
Kahit anong laban
(Kahit anong laban)