Tag araw
Sa may dagat namasyal
At pagdilim
Sa may baybay humimlay
At naglakad sabay sa pagsabog ng alon
Sabay sa paghuni ng ibon
Saksi ay liwanag ng buwan
'Di ba sabi mo pa na wala pang iba
Na ako ang una sa pagmamahal mo sinta
At ang buhay nating dal'wa ay nagbunga
Ng makulay na pag ibig na dakila
Ngunit bakit ngayong umuugong ang hangi't ulan
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy titig mo sa akin
Naglalaho ba ang pagmamahal mo sinta
At naglakad sabay sa pagsabog ng alon
'Di ba sabi mo pa na wala ng iba
At sa habang buhay tayo'y magsasama
Nakamtan ko ang pagmamahal mo sinta
Ahh
Ngunit bakit sa tag ulan ay naglaho
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy titig mo sa akin
Naglalaho ba ang pagmamahal mo sinta