Himig ng Pag-ibig Reggae - Isla Ragga
Lyrics by:Lolita Carbon
Composed by:Lolita Carbon
Sa pagsapit ng dilim
Ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
'Pagkat ako'y nababalisa
Kung 'di ka kapiling
Bawat sandali mahalaga sa atin
Tulad ng ibong malaya
Ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay
Sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y
Kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay
Sarap awitin
At ngayong ikaw ay
Nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-ibig kay
Sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis
Hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw
Sa buhay natin
Tulad ng ibong malaya
Ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay
Sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y
Kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin