I
Ngayong pasko, dalangin ko
Na tulad dati, kasama ka
‘pag noche buena
Tanging hiling, ang aking dalangin
Ang paskong kayakap ka
Refrain
Ngayon, hindi kita kasama’t kay lamig
Nasanay nang kayakap ka sa gabi
Hahanapin ka sa umaga paggising
Sa hamog ng hangin
Chorus
Sa mga bituin nakatingin
Ngayong malayo ka sa ‘kin
Ang kalangitang nagniningning
Maglalapit sa atin
Ngayong gabi ay magkapiling sa ilalim ng liwanag ng bituin
II
Pinakahihintay natin ang kapaskuhan
Taon-taon kay dami nang pinagsamahan
Nakakapanibago,
walang katuwang sa paghanda...
Sanay akong nandito ka...
Repeat refrain & chorus
Coda:
Ngayong pasko, dalangin ko
Na tulad dati, kasama ka
‘pag noche buena
Tanging hiling, ang aking dalangin
Ang paskong kayakap ka