Tinatanaw ka sa malayo
Oh, kay bilis tibok ng aking puso
Kahit nanginginig ang tuhod ay nais kang isayaw
Sana’y mapagbigyan sinta
Tila milyong alitaptap
Ang ‘yong ganda’ng tanging nagliliwanag
Habang papalapit sa ‘yo oh giliw kong marikit
‘Di ko mapigilan ang kilig
Hawakan mo ang aking kamay
‘Di na ‘ko makapaghintay
Na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
Tila bituing nagniningning
Tila liwanag sa dilim
Isantabi ang pangamba
Na tila tayo lang dal’wa
Sa ating bawat pag-indak
Pag-ibig ko’y iyong madarama
Madarama
Tila panaginip sa unang tingin
Kung panaginip ma’y ayokong magising
Aking susulitin ang bawat segundo
Minuto at oras ng pag-indak nating dalawa
Ito na ang pagkakataon
‘Di na sasayangin ‘to
‘Di na hanggang panaginip lang
Maaari bang totoohanin ‘to, ohh
Hawakan mo ang aking kamay
‘Di na ‘ko makapaghintay
Na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
Tila bituing nagniningning
Tila liwanag sa dilim
Isantabi ang pangamba
Na tila tayo lang dal’wa
Sa ating bawat pag-indak
Pag-ibig ko’y iyong madarama
‘Di na baleng parehas na kaliwa
Ang mga paang nais umindak na kasama ka
At kahit pa hihimigin lamang ang musika ay ‘di titigil
Hanggang madama mo ang pag-ibig ko sinta
Hawakan mo ang aking kamay
‘Di na ‘ko makapaghintay
Na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
Tila bituing nagniningning
Tila liwanag sa dilim
Isantabi ang pangamba
Na tila tayo lang dal’wa
At sa ating pag-indak
Sisimulan ang ‘storya nating dalawa