Pansamantala - I Belong To The Zoo
Composed by:Rodolfo Guerrero
Sino'ng mag-aakala na
Sa gitna ng dilim ay doon ko pa
Makikilala ang magbabalik
Ng kulay at saya
Sa mundo kong nalalanta
Ihip ng hangin nag-iba
'Di pa ito ang tamang panahon
Para ako'y sumuko na
Mali bang hilingin
Patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na
Ikaw ay makapiling pang muli
Kahit pa isang saglit
Maari ba tayong manatili
Sa ating sariling daigdig
'Di na kailangang kilalanin
Ang nakaraan natin
At 'di na kailangang tanggapin
Na may nagmamay-ari na
Ng damdaming inakalang
Para sa 'kin talaga
Nang ikaw ay biglang nawala
Nalaman kong ako ay pansamantala
Mali bang hilingin patigilin
Ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na ikaw
Ay makapiling pang muli
Mali bang hilingin
Patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na
Ikaw ay makapiling pang muli
Ako ba ay isang hindi
Inaasahang pagkakamali
Isang pagkakamali
Mali bang hilingin
Patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na ikaw
Ay makapiling pang muli
Nang ikaw ay bumalik
Nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo