Inay
Hindi mo ba tanaw
Ang bawat sandaling
Ika'y nasasaktan
Silaw
Sa mga salamin
Ang mga sugat mo'y
Bakas parin sa dilim
Bulag ang sarili sa kahapon
Mahirap isipin
Pero kailangan tanggapin
Bulag ang sarili sa kahapon
Hindi ako bulag kundi kayo
Itay
Di mo ba nakikita
Alipin mo'y ikaw
Nakagapos ang paningin
Pikit mata kang sumugal
Pikit mata kang sumugal
Tumingala sa ibaba
Unti unting naliligaw
Alipin ng sarili
Alipin mo'y ikaw
Unti unting naliligaw