Pwede bang aminin ang nadarama
Sa paraang ika’y hindi mawawala
Takot masaktan
Lungkot ang kalaban
Pwede bang sabihin ang mga hiling
Ang mga sa kadiliman ko nililihim
Takot malaman
Ang katotohanan
Ayaw kong damdamin
Kung sakaling itatanggi
At ibubulong ang matagal nang nadaramang
Pagmamahal
Hindi papatulan
Ang mga sigaw ng damdamin
Kahit na ‘di mapasa’kin
Ang tanging may hawak ng puso ko
Hindi mahawakan
Kahit na’ng lapit mo sa ’kin
Iaalay na lang sa hangin
Ang tanging hangarin ng puso ko
Pwede bang punitin mga pahina
Kung saan mamahalin ka ng iba
Takot madatnan kang
May kasintahan
Pwede bang hawakan ang iyong kamay
Kahit na hindi ako ang kasabay mo
Sa pagtanda
Hindi tinadhana
Oh, oh, oh
Ayaw kong damdamin
Kung sakaling itatanggi
At ibubulong ang matagal nang nadaramang
Pagmamahal
Hindi papatulan
Ang mga sigaw ng damdamin
Kahit na ‘di mapasa’kin
Ang tanging may hawak ng puso ko
Hindi mahawakan
Kahit na’ng lapit mo sa ’kin
Iaalay na lang sa hangin
Ang tanging hangarin ng puso ko