Simulan simulan mo ang gabi
Ng tingin, pasimple lang wag halata
Hindi naman sinasadyang madaplisan
Ng ngiti ang iyong pisngi
Pwede ba pwede ba kong tumabi
Sa iyo dahil di mapakali
Kanina pa, pilit kong nilalayo
Ang lungkot sa aking isip
Chorus
Maaari bang sulitin natin ‘to
Kahit na naiilang
Kung ayos lang, hawakan mo ako
Hindi na ako lalayo
Paki naman, makikisuyo lang naman
Sa iyo, awitan mo naman ako
Kahit na, palihim mo lang bigkasin
Ang tunog ng iyong tinig
Kung alam, kung malalaman mo lang
Ang bulong ng puso kong nababaliw
Sa iyo, nais kong lang marinig
Ang tugtog ng pag-ibig
Chorus
Maaari bang sulitin natin ‘to
Kahit na naiilang
Kung ayos lang, hawakan mo ako
Hindi na ako lalayo
Instrumental
Chorus
Maaari bang ulitin natin ‘to
Kahit na hindi naman
Sa atin ang mga sandaling ito
Mga damdaming nabuo
Maaari bang...
Kung ayos lang...
Sige na, matatapos na naman
Ang gabing pinilit ko na angkinin
Kahit na pasimple mong nilalasing
Ang ngiti sa aking mata